Posts tagged superman.
My Superman and Batman..
My Superman and Batman
Nung thursday ko pa ‘to hinihintay eh. Kanina lang dumating.
Gumising ako ng 9am tapos naligo na kaagad. Nanood ng TV at nag online habang hinihintay yung package. Tapos around 12:20pm, gutom na ako kaya nagmadali akong pumunta sa tindahan ni Mama at naglunch. Nagulat siya nung after ko kumain eh umalis na kaagad ako. Eh dapat maghuhugas muna ako ng mga pinagkainan ng customers. Sabi ko babalik na lang ako. Nakauwi ako sa bahay mga 1:20pm na. Mga isang oras din ako nawala kaya iniisip ko baka dumaan na yung JRS Express. Baka hindi ko pa makuha yung items na inorder ko. Tapos nagpa-track ako sa JRS. On delivery na daw yun so naghintay pa rin ako.
Bawat may marinig akong motor eh tumitingin ako sa labas ng bahay. Around 1:55pm may tumigil na motor 2 houses away dito. So sinilip ko. Nakita ko na tumingin sa akin yung driver nung motor tapos sumakay na ulit tapos pumunta sa tapat ng bahay. Ayun na pala eh! Tinanong ko siya kung kailangan pa ng I.D. Hindi na daw. Pareceive na lang daw. Di pinirmahan ko na lang. Ang saya ko kasi nakuha ko na siya!
Ayan. Di ko pa binubukasan. Tumakbo agad ako sa kwarto para kunin yung cam namin. Gusto ko lang talaga ng documentary. Hahaha
Ayan na. Inopen ko na. May plastic din yang ballers eh Tinanggal ko na! :D
Tinanggal ko na din sa plastic. :D
KBYE :D
Titipidin ko yung allowance ko ngayon na week!
Dahil gusto kong mabili yung Superman at Batman na Tshirts and Ballers. After this week, gusto ko meron na ako nun. Kaya Pamasahe lang at lunch ang dapat kong gastusin! Kaya ko ‘to! Yeah! :)) GV GV GV






