Posts tagged studentlife.

Chapter 2012, 124/366

Capping, Pinning and Candle Lighting Ceremony last July 17, 2010.

I was browsing my higschool yearbook last night. Wow, Isang taon na lang pala gagraduate na ng College ang karamihan sa batch namin. 2 semesters na lang, tapos na sila ng College. Hindi ko maiwasan na hindi mainggit. Isang taon na lang din sana, graduate na ako. Unfair talaga ng life no? Pero wala akong dapat sisihin.

Ang swerte nung mga kabatch ko, kasi sila nakakapag aral. Samatalang ako, stock pa din sa pagiging incoming third year colege. Nakakamiss maging studyante. Nakakamiss magduty sa hospital, mag alaga ng pasyente. Mag aral. Matoxic sa hospital, sa Clinical Instructor, sa mga case study at kung anu ano pa.

Nakakamiss. :(

  05/03/12 at 09:37pm

Long Post. Kasi sinipag ako magkwento at type.

2009 Maniwala kayo. Andyan ako. Yung may bilog na pula ako.

Eto ang pinaka HIGHLIGHT ng Higschool ko.

Nung nagdesisyon akong sumali sa Citizenship Advancement Training (CAT).

Para maging officer ka pag 4th year highschool, dapat 3rd year pa lang magtraining na. Nung una talaga hindi ko sineryoso. Madalas akong absent pag may meeting. Pag may drill lang ako napasok. Nakakaantok kasi pag meeting lang eh. So ang pasok ko nun sa academic is 7am to 3pm. Pagpatak ng 3:15pm, dapat naka-white tshirt na ako, ballcap, pants at leather shoes na ako. 15 minutes na pagbihis? Hindi kasya yun. Dahil minsan nageextend pa yung walang hiya kong Physics teacher ng 30 minutes. Badtrip yun. Pero kinaya pa naman.

Pagsabado wala dapat pasok. Pero may training ako. Gising na ako ng 4am at nasa school na ako ng 5am. Ang bihis ko eh shorts and white tshirt and rubbershoes. Nakatali ang buhok ng girls lagi (kahit basa pa ang buhok). Bawal magbreakfast. Simula palang sa gate ng University eh nagjojogging na ako. Tapos 6am ang call time. Gusto ko nauuna ako. Tapos may exercise + jogging kami hanggang 8am. MIND YOU, NAKAKAPAGOD AT ANG SARAP SA PAKIRAMDAM. Feel na feel ko na healthy ako nun. After 1hour break, dapat nakakain na, nakachange na ng attire na white tshirt, pants, leather shoes and ballcap.

Buong taon yan ang naging buhay ko sa pagsali sa CAT. Wala akong pinagsisihan.

Nung mag 4th year na, ayun. OFFICER na ako. Dahil nga sa madalas kong pag absent, nagsimula ako sa pinaka mababang rank. CDTTE Sgt. Duelas, Erican May DL. 1st Class. Ang pinakamababang rak. Rank kasi yan ng kadete na sumasama sa Military Parade. Pero wala pa din akong pakialam. Ako pinakamatangkad sa babae, kaya kawalan nila ako pagtinanggal nila ako. Feeling ko lang naman, hahaha. Yung sumunod sa akin eh 5 flat na. Yabang lang eh. Pero totoo talaga. May name din pala batch namin. Kada batch may name. ang sa amin SAGANA.

SAndatahang Ginagalang At NAmumuno.

Dumaan na naman ang training kada sabado. Tapos nung malapit na ang Festival sa Naga City, ayun hinanda namin ang Alpha at Delta. June palang naghahanap na kami ng mga 4th year higschool na magvovolunteer para makasama sa Parade. Madugo kasi ang parada. Mainit. Maraming nagda-dying. Hindi biro yun. Lilibutin namin ang buong Naga City. at hindi lang basta basta ang kalaban. Buong school sa buong BICOL REGION ang magpaparticipate. Eh lagpas 150+ na schools na yun. hinihiwalay pa ng isang school ang college sa higshcool at elementary. Kasali din sa araw na yan ang Drum and Lyre, GSP, BSP, Majorettes.

Ilang oras din kaming naghihintay dyan. Simula mga 8am ng umaga, nakapwesto na kami dyan. Anung oras kami magsisimula magmartsa? Mga alas dos na nang hapon. Deretso na yan sa Plaza ng Naga. Minsan mainit, minsan aambon. Papalit palit ang panahon kaya hindi yan joke. Mahirap talaga yan. Pero kinaya pa din.

Dadaan lang kami sa Plaza ng less than 5 minutes tapos tapos na. Tapos na yung ilang buwan na pinaghirapan. Ilang buwan na nasunog sa araw. Ganun lang kabilis.

Naghihintay kami ng awarding.

Yan. Mga sunog kaming lahat! Haha.

Hinahanap ko sarili ko AKO PALA NAGPICTURE.

SAYA LANG EH!

Awards:

  • 4th Most Disciplined.
  • 8th Placer Alpha Coy
  • Most Outstanding Corp Commander


Oh. ako yan may hawak na pink na selpon at softdrinks. FRVR AGTA.

Grumaduate ako ng CAT na MATAAS ang RANK. Di ba nagsimula ako sa pinakamababa? Syempre nabago yun. Ako na pala si CDTTE 2nd Lt. Duelas, Erican May DL. 1st Class. Battalion S4.


NOSTALGIA!
I super miss higschool. Hindi ko pinapalagpas ‘to. Kaya uuwi ulit ako ng Naga sa September Penafrancia Festival para suportahan ALMA MATER ko. I love UNC. =))
Here’s a video of US during fancy drill. The first one is at our school during the highschool week, then the second one, during the fancy drill competition at USANT (University of Saint Anthony), Iriga City. We won 1st runner up. :)

  04/29/12 at 09:01pm

Take time to watch this.

Baby formation inside the tummy.

Pinanood na namin to during Maternal and Child Nursing. That was last 2010. Danngg! I miss studying nursing!!! :( <//////3

Anyways here’s a random fact: Nakapaanak na ako. Hahah :D Last July 21, 2010. It was a great experience. :)

  03/24/12 at 09:15pm

Lahat tayo may papel sa mundo..

Pero ewan ko lang kung bakit pag may quiz, wala talaga! Hahahah

  03/03/12 at 08:45pm

Congrats to all Newly Licensed Nurses! :)

  02/16/12 at 07:32pm

Dear Nurse,

I see that you’re tired, sometimes bored, stress, worried, and toxic. I tell you not to drop your BP Apparatus and put down your stethoscope. Keep those medicine track. Morning care is not that bad. Why worry about your patient? After all, its not your battle. Its mine. Working is not only being done alone by you. But rather You and Me. You just have to do your best and I’ll take care of the rest.

Your Chief Nurse,

Jesus Christ. <3

#studentlife  #love  #Jesus  #Nurse  #RNs  
  01/30/12 at 08:13pm

A boy came home from school, upset.

  • Dad: What's wrong son?
  • Boy: My teacher pointed a ruler and said "At the end of this ruler is an idiot." and I got punished when I answered "Which end?"
  01/27/12 at 08:33pm

Mangiyak ngiyak nanaman ako ngayon kakaisip kung paano ako makakapagaral sa June. Oo, hanggang ngayon malabo pa din yung chance na makapagaral ako ulit sa isang unibersidad. Hindi sapat ang sinusweldo ng kuya ko pangpa aral sa akin. May tindahan kami, pero ganun pa din. Sa araw araw na gastusin napupunta. Gustuhin ko man magtrabaho, malabo pa din makaipon. May balance pa ako sa school ko. Mahigit 12k pa yun. Naiiyak na talaga ako. Tapos tumatanda na ako! Taragis, Imbes na ako na yung tumutulong sa magulang ko, namemerwisyo pa ako. Nabobobo na ako kakatanga dito sa bahay. Buti na lang at nagtututor ako at kahit papaano eh binabasa ko yung anatomy book ko. Pati yung medical encyclopedia sa kwarto ko. Yan na lang pinagdadasal ko ngayon. Gustong gusto ko na ulit mag aral.

  • Magsuot ng uniform. 
  • Gumising ng maaga para magasikaso sa school. 
  • Matulog ng late dahil nagaaral sa exams o quizzes, hindi yung napupuyat kaka-internet! 
  • Baon. 
  • Friends na nakakausap sa school.
  • Konting gala at jamming na din.

Nakakamiss lang kasi. Ayaw ko talaga ng ganito. Hindi ko ineexpect talaga noon na titigil ako sa pagaaral. Sa june dapat fourth year na ako eh. Pero heto. Stock pa din sa second year.

Iniisip ko magshift. Nursing ang course ko. Pero pinapashift na ako ng karamihan. Bahala na si batman kung anong magandang course. If ever makapagaral na ako, marami pa naman time para makapagisip. Ayaw ko na kasing umuwi ng bicol para mag aral dun. Kasi napagiwanan na ako ng mga kabatch ko. Gusto ko bayaran na lang yung balance ko sa school tapos kunin na lang transcript ko at dito na magaral. Sa pinakamalapit na University dito. Kasi dun din nag aral si kuya ng 2years. Oo. Parehas kaming di pa graduate.

Basta. Yan lang pinepray ko. Pagbigyan na sana ako ni Lord. Huhuhuhuhu. :(

  01/16/12 at 01:36am

Tagalog: “Parisukat ugat ng ekis itaas sa kapangyarihan ng sampu.”

English: “Square root of x raise to the power of ten.”

Makasurvive pa kaya tayo kung tagalog ang math?

  12/26/11 at 06:21pm

A nurse is the one who gently opens the eyes of a newborn and the one who closes the eyes of a dying man.

Anonymous
  11/30/11 at 11:39pm