Posts tagged relationships.
Nagkulang sa tiwala at nagsobra sa hinala. Anung napala?
Relasyon ay nasira.
Another version:
Nagsobra sa tiwala ni hindi naghinala. Anung napala?
Niloko ng Jowa.
Long Distance Relationship.
Mahirap? Oo. Masakit? Sobra. Yung tipong hanggang ganito nalang muna kami. Kahit na gustung-gusto namin makita at makasama ang isa’t-isa, imposible sa ngayon.
Canada - Philippines. Yan yung una naming set-up. Tapos ngayon, Canada - Singapore na. Kahit papano, feel kong mas malapit na kahit papano kesa nung nasa Pinas ako. Sa Jan. 4, 4 years na kami. Nagbreak kami ng 1 year at 5 months, pero tinuloy pa din naman yun. Cool off lang baga ang nangyari. Bakit? Kasi we never really stopped loving each other. Though nagkaroon kami ng mga iba sa mga panahong yun, andun padin yung in-denial na mahal pa din naman ang isa’t-isa. Wala e, ganun talaga. Oo, minahal ko din naman yung mga taong dumating pagkatapos niya, pero siya kasi talaga yung babalik-balikan ko kahit anong mangyari.
Madaming hindi naniniwala sa kakayahan ng relasyong to. Bakit? Kasi karamihan ang iniisip nila e hindi sila makakatagal na hindi nagkikita o nagkakasama pareho. Kasi malayo. Kasi mahirap magtiwala. Kasi mas madali kang matetempt. Madami pang dahilan, hindi lang yan.
Text, tawag o internet lang ang tangi niyong instrumento para makamusta ang isa’t-isa.
Hindi ko man lang masusulyapan, mayayakap o mahahalikan yung taong pinakamamahal ko. Masakit at mahirap. May mga times na iiyak nalang ako pag sobrang miss na miss ko na siya. Pero para sakin mas bilib ako sa mga taong kapareho ng sitwasiyon namin. Dahil mas matatag kami.
Para sakin, ang kinaganda nito ay kung papaano niyo panghahawakan ang isa’t-isa. Kung gaano kayo katatag para sa isa’t-isa, kung gaano kahaba ang pasensiya niyo. At higit sa lahat, yung tiwala niyo sa isa’t-isa.
Ang kinapangit? Maaari kang mapagod sa lahat ng aspeto. Ang selos din ay minsan nagiging sanhi ng pagkawala ng tiwala.
O di kaya hindi mo na matiis ang pagkatigang mo.Wala sa layo ang basehan ng pagmamahal. Nasa sainyo nalang din yan kung pagtutuunan niyo ng effort at pansin. Kung willing niyong i-work out pareho yung relasyon niyo.
Kung mahal niyo talaga ang isa’t-isa, hindi kayo susuko kaagad, diba?
Tignan niyo kami, kahit dalawang beses na kami nagbreak, eto pa din o. :)
THIS. <3<3
