Out of the School Youth.
Pasukan na ng ilan dyan. Tapos bitin pa din sila sa bakasyon. Pero sa totoo lang? Naiinggit ako. Naiinggit ako sa inyo. Buti pa kayo. Papasok na. Papasok sa campus. Makikita ang mga classmates, friends at teachers. May mga school supplies na. May books na. May mga homeworks ng aatupagin pagkauwi. May pag aaralan nang quizzes and exams.
Dapat ngayon eh graduating na ako sa kursong Nursing. Pero anung nangyari last year? Tumigil ako. Hindi ko talaga ineexpect yun. Kahit nung bata palang ako hindi ko naisip na magiging out of the school youth ako. Pero nung second sem na nung 1st year ako, sinabihan na ako ni Mama na tigil muna ako. NAGWALA AKO NUN. Magkachat pa sila ni Papa nun with webcam. AS IN WINALAAN KO SI MAMA. UMIYAK AKO NG BONGGANG BONGGA. Kaya ayun hindi ako tumigil. Nagtransfer lang. Pero last year, hindi na effective yung pagwawala at pagiyak ko. Tuluyan na akong hindi nakapagenroll. Kasi sanay akong late na ine-enroll kasi naghahanap pa si Mama ng mauutangan para sa mabayaran yung previous kong tuition. Kasi madali ng makahanap ng pang enroll and madali na makaenrol basta may hawak na pera. Simula nung nagsecond year ako, ganyan yung sistema namin. Late mage-enroll. Tapos hindi na magbabayad for premils, midterms and finals. Nakakaexam ako kasi may promisory note ako lagi. Kaya pag end ng semester, BOOM. Sabog ang bayaran namin. Ang mahal. Kasi enrollment lang binabayaran namin. Tapos kalahati pa ng upon enrollment. Hanggang sa last year, Summer, di ko ineexpect na yun na pala yung last kong pagiging student. Around first week ng June, pasukan na. Pero hindi ako pumapasok. Usually kasi kahit di pa enroll, pwede pumasok. Para hindi ma-late sa mga lectures. Kasi kahit first day palang, lalo na kung Major Subject, magtuturo na kaagad kasi nakaschedule na ang lahat. Lectures, return demos, quizzes exams, oral exams, case presentations and duties. Pero nung time na yun, nafeel ko nun na parang wala ng pag asa talaga na makakaenroll ako. And tama yung hinala ko.
From July to January, nganga talaga ako. As in wala. Tambay. Maghapon internet lang ako. (Baka magisip kayo kung bakit ako nakakainternet, public yung wi-fi ng kapitbahay namin and abot sa sala namin ang signal. May laptop kami na dala pa ni Papa nung 2006 pa). Ayun forever nganga.
Around February naman nagkaroon ako ng trabaho. ‘Til now. Last Monday, nag inquire ako sa Lyceum and AMA. Sa Lyceum sa June 13 pa ata pasukan eh. Pero sa AMA nag start nung Monday mismo. Pero bukas pa talaga yung pinakaformal. Kasi marami pa daw naghahabol nun magenroll. Mag aaraal na sana ako. Kaso naudlot. Madami pa akong bayaran sa dati kong school and syempre hindi ko makuha ang transcripts ko. Hindi ganun kalaki ang sinusweldo ko para makapag aral ulit.
Inggit na inggit ako sa mga kabatch ko. Nag affilate sila nung Summer sa Manila. Sa lahat ng magagandang hospitals sa Manila. Hindi ako kasama. Yun pa man din ang pinakahihintay ko after nung mag Capping ako. Kaso hindi na ako nakasama. Masakit.
Maswerte kayo kasi nakakapag aral pa kayo. Kaya pa kayong pag aralin ng magulang niyo. Tapos tatamad tamad yung iba. Kaya sulitin niyo na lang. Wag na kayong magreklamo kasi nagagalit ako. Buti nga kayo nakakapag aral eh.
Ang dami kong sinabi. Ang daldal ko.
