Chapter 2012, 155/366
Fail Pancake.
Hahaha. Isa lang naman yung nasunog dyan. The rest okay na. Yun nga lang iba yung shape. Hindi perfect circle. Yung tutong yan kasi yung pinaka una kong try. Ako na walang future sa pagluluto. Hahaha.
Pero masarap din naman pagkagawa ko. Except talaga dun sa tutong na sa akin pa pinakain. Buti na lang may chocolate syrup. Di ko nalasahan yung pait. :D
Chapter 2012, 154/366
Ice cream on a rainy night.
Abnormal ko lang eh. Hahaha. Ang sarap pala kasi nitong Heath flavored ice cream. Parang may caramel na nougat. Nung nakalahati ko na, nilagyan ko na nyang parang choco cereals na yan. Masarap. I will make a cheesecake tomorrow! YES!
Chapter 2012, 153/366
Dinner @ Army Navy, Tagaytay.
Niyaya lang ako ng family ni Rane. Yang katabi kong bata. I’m with her parents and her 2month old baby sister, Hera. Ang cute ni Hera! =))
Nung dumating kami dun, hindi ganun kalamig. To think na nakashorts lang ako. Pero while waiting for the food malamig na. Pero nung kumain, wala na ulit. Di na ganun kalamig.
What I ate is that parang Pizza yan. Haha. Cheezy! Tapos a cup of hot chocolate. Kahit gabi na dun, ang ganda ng view ng lights dun sa may parang terrace. I just love city lights! Promise.
I’ll have my own house in Tagaytay, soon! =))
Extra din pala sa picture ko si Jade. Photo bomber! Hahaha
Chapter 2012, 152/366
Playing guitar.
So I’ve been playing the guitar that Sandra lend me for a week and a half already. Masakit na sa kamay sa totoo lang. While I’m typing this, masakit habang nagpipindot ako ng letra. Tumatama sa bawat daliri ko yung sakit. MASAKIT.
Pero worth it naman. Kasi sa time na yun, tatlong songs na nasaulo ko. 12:51, Best I Ever Had (Vertical Horizon) and Payphone. Like a boss. Haha =))
Chapter 2012, 151/366
Nose.
Hindi ba ako Pinoy kasi hindi ako pango? Hahaha.
Hindi ko alam kung kaninong side ko nakuha ang matangos na ilong eh. Pero sabi ni Mama nakuha ko daw kay Papa Caloy (Papa ni Mama) Hindi lang nga halata yung bone pero okay na din naman. =))
Chapter 2012, 150/366
Pepay and Muning.
Yan yung bago naming ampon na kuting. Pero malayo loob ko sa kanya. Siguro kasi nag aadjust pa siya. Di rin naman siya lumalapit sa akin. Si Jade lang. Ang kulit nilang dalawa ni Pepay. Magkasundo na silang dalawa kaysa sa akin. Haha.
Kahapon nag asikaso na ako for school. Naginquire lang. Sa AMA and Lyceum. Bahala na kung saan. Parehas lang naman and to think na 3 subjects lang kukunin ko. Sayang ng miscellaneous. Pumunta ako ng SM at bumili ng string ng gitara. Bago umuwi NAGPAGUPIT NA NAMAN AKO NG BUHOK PERO HINDI HALATA. Trim lang kasi. Pero bago magpasukan, magpapagupit ulit ako nung gupit ko ng katulad nung September. Ayoko muna ng magpahaba ng buhok. Basta.
Chapter 2012, 149/366
My baby.
Loljk. This toy is was with me since 3rd year higschool. Siguro kung nung 2009 hindi ko siya dinala nung nagbyahe ako, malamang tambak na to sa Bicol. Kasi nung dinala ko siya dito nung 2009, hindi na siya nakabalik ng Bicol. Sinama ko lang siya sa byahe para may unan ako. Kaso hindi ko na nasama pabalik.
Bigay yan ni Cejay. Actually hiningi ko. Tambak lang kasi sa room niya at sobrang alikabok na. Kaya kinuha ko. Ang laki ng tenga niya. Wala din siyang mata. Nakatago. :D
And oh, Happy Birthday to my Late Lolo Emil. :(
Chapter 2012, 148/366
Medicines.
Ferrous Sulfate and Myra E. May Vitamin C pa yan eh. Kasow wala na pala kami nun.
Yan everyday after breakfast and bago matulog. Because I’m anemic since May 2009. Hinimatay ako nun. Iinom sana ako ng tubig ng bigla akong matumba. Ayos. Tapos nung nagpamedical na ako for my enrolment purposes, nasa results ang pagiging Anemic ko. Kaya pala pag tumatayo ako, bigla na lang nagdidilim paningin ko.
And yeah, since 2009 yan iniinom ko vitamins.
Chapter 2012, 147/366
I can’t make you love me if you don’t.
I’m inlove with this song so much. Simula nung kinanta to ni Hollie sa Amrican Idol. Lagi ko tong napapakinggan sa radyo eh. Kasi si Mama lagi nakaradyo sa bahay. Pero nagandahan ako sa version niya. Sa version din ni Adele maganda pero mas gusto ko kay Hollie. Kaya nung napanoood ko sa AI, dinownload ko kaagad.
Balak ko sana aralin ang chords. Kaso wag na. Masyadong complicated at hindi ako expert sa pag gitara. Inggit ako kay Ate Corinth. Gumawa siya ng cover. :)
The lyrics says it all. It’s my current situation.
Chapter 2012, 146/366
PSP, playing Naruto — Something. Hahah!
Nakalimutan ko yung kasunod na name. Basta yun na yun. Japanese pa din kasi nakasulat at language nung game eh. Pero may subtitle naman.
Pag depressed ako, eto pa ang isa na pinagtutuunan ko ng sama ng loob. Kaya yung Letter X na button dyan, loose na. Pero si Kuya may gawa nun.
Nagka-PSP si Kuya nung 2009. Hindi pa ganun kauso ang PSP nun. Ang nung inuwi ni Kuya yan sa Bicol, after a month, lahat ng boys ko na pinsan meron na kaagad. Meron pang ibang version, Yung slim. Tindi. Spoiled sila.
Di ine-expect ni Kuya na yan ang pasalubong ni Papa. Ayun tuwang tuwa si Kuya.