Posts tagged 091506.
I’m not worth it. Kasi kung oo, hindi siya makikipagbreak sa akin coz she knows I’m worth it. Pero it’s the other way around.
Indenial ako sabi nila. Oo, alam ko sa sarili ko na mahal na mahal pa din kita. After ng apat na buwan, wala pa din nagbago. Sinabi mo ganun ka din. Sa harapan pa ng barkada natin. Oo, naniniwala ako sa sinabi mo. Sa narinig ko. Siguro nga kailangan muna na hindi “TAYO”. Para makapaghanda tayo sa future na dadating. Para mabigyan natin ng oras ang sarili natin. Para magmature. Maghihintay ako. Kahit mahirap, gagawin ko. Kasi sobrang mahal kita. At hindi magbabago yun. </3
Chapter 2012, 84/366
Ayos. Maghapon madilim ang langit at lumakas ang ulan gabi na. Okayy.
Nilamig maghapon and maghapon din lumamon. Badtrip lang ako kasi inabutan ako. Nakaskype ko pala to kanina.


Congrats. Miss ko na kayo. I love you friends.. :*
Sino kaya yung hindi matinong tao na tatawag sa akin ng ALAS TRES ng umaga para lang sabihin na gusto akong makausap at gusto marining ang boses ko?
Ang sarap sarap ng tulog ko. Tapos may natawag sa akin. Si Mac. Nung last night kasi natawag din siya pero hindi ko din sinagot. Kaya dinedma ko na lang ulit tawag niya. Bandang 11pm pa yun. Vibrate ng vibrate ang cellphone ko. Di ko naman pwede alisin yun lalo na ang ringtone dahil nag aalarm ako pag umaga. Hinayaan ko lang yung tawaag niya. Nakadalawang missed calls na siya. Pagkatapos nun, may mga text na, mga lima. Pero sa sobrang antok ko, natulog na ako ulit.
Sunod na tumawag, 2:55am. Unknown number. Di siya nakaregister sa phonebook ko. Nagtaka na ako kasi sino ba naman ang hindi matinong tatawag ng ganung oras? Nung sinagot ko na..
Siya: Hayy salamat sinagot mo na!
Ako: Anong oras na?!
Siya: Uhm„ 2:55am.
Ako: Nasaan ka?
Siya: Andito sa boarding house ng kaklase ko. Kasama ko si Tappingz.
Ako: Anong oras na naman kayo uuwi ha?
Siya: Di ko alam eh.
Ako: Eh bakit ka tumawag? Anong oras na?!
Siya: 2:58am. Wala. Gusto lang kita makausap.
Ako: Bakit?
Siya: Miss na kita eh. Di mo na ako tinetext. Kinukulit na kita di ka pa din nagrereply.
Tang ina lang po.
Ang sarap na ng tulog ko nun eh. Yung pagsagot ko sa kanya medyo sleepy talaga na boses. Tapos tatanungin niya pa ako kung antok pa ako. MALAMANG.
Nagusap kami ng 30minutes. Sayang yung 30minutes na pwede ko pa itulog. Ang sakit na naman tuloy ng ulo ko pag gising ko kaninang umaga. Buti na alng at hindi ako na late sa trabaho. Graduation Night kasi nila. Kaya may jamming sila. Ayy nako talaga. Hindi na daw kasi ako nagtetext sa kanya kahit anong kulit niya. KULIT NA NIYA YUN? Tatlong texts nung Sunday? Yun na yun? Tumawag siya kagabi ng 7pm bago ako mag out then yung sumunod yung kanina ng madaling araw.
Nagkalakas lang yun ng loob dahil lasing siya.
Di na ako nagloload kasi nasasayang lang. Saka tamad na ako magtext.
Tinanong niya din pala ako. Mahal mo pa ako?
Sinagot ko siya ng Hindi ko alam.
Di ko na kasi alam talaga eh. Oo? Siguro mahal ko pa siya. Pero kailangan lang na tigilan ko na iparamdam sa kanya para less mistakes, at di na ako umasa. Mag ti-three months na. Malapit na matapos yung 3 month rule. Ewan ko. Di ko alam.
So I went home yesterday like 11pm ata? Nagkayayaan na naman kasi magswimming sa clubhouse, but since I have work the whole day and I felt so tired, nakikain na lang ako. Hindi na din ako nakasimba. 8pm na kasi ako nag-out. Andami ko na naman nakain.
When I went home, I was really tired so I change clothes lang tapos humiga na. Pagod talaga ako. Nagsounds lang ako ayun, nakatulog na. I woke up at 3am. My phone was vibrating kasi low battery na. Chinarge ko na din then I saw 9 messages received. Binasa ko. 5 of them are group messages saying Goodnight. 3 texts is from Jannyna. And the other one from Cejay. Seriously??
Di ko nga alam kung naalimpungatan ako eh. Kaka-post ko lang kasi nito kagabi. Tapos biglang ganyan? May load ako pero hindi na ako nagreply. Alam ko din naman na tulog na yun. Since yung text is 12:42am nareceive. Hayy nako. Ayoko na muna. Nananahimik na nga eh. Okay na nga eh. Umaariba ka na naman. Ah basta.

