Daydreamer ∞▲


Photobucket
Isang babaeng labing-walong taong gulang na. Mahilig akong mangarap at magmahal. Ipinanganak noong March 1. Na-taken for granted ako sa loob ng Limang taon. At ngayon ay mayroong Pira-pirasong Puso. Ako ay Single by Status pero Taken by Heart.
♥ ∞ ▲

Kailangan mo ng kausap? Pwedeng pwede ako.


Dream Catcher(s)


1/1

Cejay, Please. Wag mo na akong saktan. Pinagbigyan na kita sa gusto mo. Pinakawalan na kita kahit ayaw ko. Ang sakit na ng mga ginagawa at sinasabi mo. Huwag mo na akong ibilanggo saiyo. Please lang. Gusto ko kalimutan na kita. Gusto ko na magmove on. Kahit sobrang mahal pa kita. Kahit ayaw ko talaga. Kasi naiisip ko din naman ang sarili ko. Yung friend ko na nakakaalam na break na tayo eh naaawa na sa akin. Siya na lang kasi umiintindi sa akin ngayon eh. Hindi na kasi tayo magkaintindihan. Ang laki na talaga ng pinagbago mo. Ako ganito pa din. Lahat ng ayaw mo na sa akin pa din. Hindi ko pa din binabago. Kasi ayaw ko. Kasi ganito na talaga ako. Akala ko ba tanggap mo na ganito talaga ako? Na hanggang dito na lang ang kaya ko?

Pinalaya na kita. Palayain mo na din sana ako sa alaala natin. Ang unfair kasi eh. Ikaw sobrang saya mo na. Ako stuck pa din. Ang unfair mo. Nasasaktan pa din ako. ikaw ineenjoy mo pagiging malaya mo.

Tama na. Tama na yung mga masasakit na salita. Please lang. Durog na durog na ako. Hindi ko na alam kung paano at kailan ko ulit mabubuo ang sarili ko. :( ;(

Posted on January/27/2012 with 2 notes
Source: ekanmeiduelas



POST DETAILS:

Tagged as: 091506,
POST NOTES:
  1. ekanmeiduelas posted this