|
Daydreamer ∞▲
Isang babaeng labing-walong taong gulang na. Mahilig akong mangarap at magmahal. Ipinanganak noong March 1. Na-taken for granted ako sa loob ng Limang taon. At ngayon ay mayroong Pira-pirasong Puso. Ako ay Single by Status pero Taken by Heart. ♥ ∞ ▲ Kailangan mo ng kausap? Pwedeng pwede ako.
|
Chapter 2012, 25/366 12am pa lang tapos na ako maginternet. Kasi aalis ako. Humiga na ako. Tapos di ko akalain na lumipas na ang isang oras. Hindi ako makatulog. Mga 1:30am ang ingay ni Jassy kaya lumabas ako sa likod tapos pinakalawalan siya sa kulungan niya. Di tumahimik na. Humiga na ako ulit. Anak ng pating! Hindi talaga ako makatulog. Nakailang kanta na yung tumugtog sa playlist ko. Naglaro na din ako ng tetris sa phone ko. Wala talaga! Ayaw ako patulugin. Hanggang sa sumakit na ang ulo ko. Inabot na ako ng sunrise. Hindi talaga ako natulog. Mga 6am may liwanag na. Shit. Ang sakit sa ulo. Talo ko pa may hangover! Nanood na lang ako ng TV hanggang 10am. Kumain na din ako n almusal. Si Mama umalis. Sasamahan daw si Tita Liway. Ako naman may sariling lakad. Pupunta ako ng Dasma. Pagdating ko dun, si Tin una kong nakita. Pumunta ng kami dun sa lumang building ng Oxford. Tumambay. nagkwentuhan lang kami ni Tin about sa break up ko. Buti na lang kinaya kong hindi umiyak. Tapos nagkayayaan na. Iinom. Sumakay na kami ng jeep papunta ng WalterMart sa Dasma. Tapos dun sa kabilang side kami uminom. Ewan ko. First time ko dun. Basta may billiards and videoke.
Naka-bag na kami kasi dapat aalis na. Hahaha. Hindi pa pala. Pak.
Dun na ako nagpalipas ng oras. Uminom lang ako ng tatlong baso ng red horse. Medyo nahilo na ako. Kasi naman, hindi na ako sanay uminom ng red horse! Hahaha.
Oo. Ang daming vandal. Kada cubicle. Nag vandal din sila dyan eh. Ako hindi na. Wala ng space! Hahahaahha Umuwi kami 5:30pm na. Nakarating ako sa bahay mga 7pm. Tama lang. Si Mama naman 9pm na nakauwi. Pinasalubungan niya ako ng McDo. Ang takaw ko. Naubos ko yung Large Fries at Big Mac. Yung Apple Pie ewan ko kung kakainin ko pa. Busog na ako eh! Hahaha. Ang takaw ko lang! :PP |