Di man lang ako nakapag wish sa 11:11. Di naman big deal. Hahaha. Napasarap kasi tambay sa clubhouse eh. So anyway, nakatext ko siya kaninang pag gising ko. Nag goodmorning sya. Di ko maintindihan. Kung kailan wala na kami saka niya pa ‘to ginagawa. Nung kami pa, di niya man lang magawa. Talagang ako pa yung nauuna.
Medyo madami din kaming napagusapan. Kahit one hour lang yun. May isang message siya sa inbox ko na hindi ko magawang maidelete.
"Alam ko gusto mong magka-anak. Hindi ko yun maibibigay saiyo."
Ang laki talaga ng impact nito sa akin. Nung dati kasi pinaguusapan din naman namin ang future namin. Kahit nga parehas kaming babae. Alam niya talaga na gusto kong magka-anak. Pero yan ang palagi niyang sinasabi. Syempre nasasaktan ako. Pero dahil nga student nurse ako, iniisip ko yung mga medical ways para magkaanak.
Katulad nung surrogate. Kukuha ng egg cell niya. Tapos hahanap ng sperm donor. Usually di naman talaga kilala ang donor eh. Tapos sa akin i-iinject para mabuntis ako. Mga ganun. Para anak niya yun. Genes niya yun. DNA niya yun. Kahit hindi akin. Okay lang. Ang adoption naisip din namin. Tapos sa ibang bansa kami titra para walang mga malisyosong tao ang sumira sa buhay namin. Dun sa place na legal ang LGBT.
Nasasaktan talaga ako pag ganyan. Mahal ko kasi siya. Pero dadating ang panahon makakalimutan din kita. Wala na kasi TAYOng ganyan. Wala na yung future na hinihintay ko. Hindi na matutuloy. Hayy. Tangina naiiyak na ako.

May gif na ako! Hehehe. ;)
-
astraykitty said:
cute moooooo :3
-
astraykitty liked this
-
ekanmeiduelas posted this
