Chapter 2012, 22/366
8am ako nagising. Nakatext ko siya ng mga isang oras din. Tapos mga 9am natulog ako ulit. Kasi 5am na ako pinatulog ng mga aso namin sa sobrang ingay. Badtrip talaga. Ang sakit pa man din ng ulo ko.

Eto ako kanina. Bagong gising. Nagvideo pa nga ako eh. I’m planning to have my first vlog. Ewan ko kung kailan ako sisipagin. Wala din kasi akong maisip na pwedeng idaldal. Hahaha.
Sunod kong gising 12nn na. Tinawagan na kasi ako ni Mama. Naligo na ako, nagasikaso then pumunta na sa clubhouse. Naglunch. Tapos nauna na si Mama umuwi around 2pm. Ako naghugas pa ng mga hugasin since yesterday. Eh di tambak. Mga 3pm tapos na ako. Umuwi na ako then nagprepare. Magsisimba kasi kami. Mga 5pm nagstart yung mass. Eh dapat 4:30pm. Ang konti kasi nung tao.
After ng Mass deretso kami kila Tita Liway. Nag semi-dinner. Haha. Tapos pumunta na lahat ng Clubhouse. Birthday kasi ni Kuya Rey tomorrow. Pero ngayon sinelebrate. Kasi kung bukas pa sila magiinuman, kinabukasan may mga work na sila. Kaya ayun. Nakiagawan ako sa leche plan kanina. Kumain din ako ng Knick Knacks.
Puro kwentuhan lang sila. Nakikinig lang ako. Laughtrip nga eh. Masaya. May mga katext din ako kanina. Ang dami ko na ding games sa cellphone. Kaya okay na akong walang load.
Kumakain ako ng Jjamppong. Iinom kasi ako ng gamot. Lintek nga eh. ang mahal ng gamot. Pag ako hindi gumaling dito, aba! #tanginabro.
