Nagpagupit ako ng buhok ng biglaan kahapon. As in, nasa jeep ako, nagdadalawang isip ako kung saan ako bababa. Kung sa may McDo na ba or dun sa tapat ng Walter. Ang nangyari, doon ako sa tapat ng Walter bumaba and dumeretso ako sa F Salon. Nagpagupit ako. Trim lang and bangs. Pero ang pangit nung kinalabasan kasi. Pumantay na siya. Nasa shoulder na ang length niya na pantay. Na dapat bob-cut or apple cut to. Kasi yun yung gupit ko dati. So baka nextweek bumalik ako ulit para paiklian na ulit ng tuluyan. Sabog haircut ko ngayon eh. Hindi na tulad nung ganito. So ang plano next week magpapagupit ulit ako ng ganyan. Katulad nung September. Then maintain na. Tapos. Pero miss ko na long hair ko.
Lola Techie ang dating!
- Nakatambay ako sa clubhouse.
- Lola: Miss pwede magtanong?
- Ako: Ano po yun?
- Lola: Saan may skype dito?
- Ako: Ah, doon po sa dulo may computer shop. O_____O
Chapter 2012, 149/366
My baby.
Loljk. This toy is was with me since 3rd year higschool. Siguro kung nung 2009 hindi ko siya dinala nung nagbyahe ako, malamang tambak na to sa Bicol. Kasi nung dinala ko siya dito nung 2009, hindi na siya nakabalik ng Bicol. Sinama ko lang siya sa byahe para may unan ako. Kaso hindi ko na nasama pabalik.
Bigay yan ni Cejay. Actually hiningi ko. Tambak lang kasi sa room niya at sobrang alikabok na. Kaya kinuha ko. Ang laki ng tenga niya. Wala din siyang mata. Nakatago. :D
And oh, Happy Birthday to my Late Lolo Emil. :(
If you are inlove and afraid to tell the person for some reason, just think of this:
One moment of embarassment or a lifetime regret?
Karamihan sa mga babae ay matampuhin, emotional, selosa, topakin at demanding. Kaya dapat karamihan ng lalake ay under.
Understanding..
Chapter 2012, 148/366
Medicines.
Ferrous Sulfate and Myra E. May Vitamin C pa yan eh. Kasow wala na pala kami nun.
Yan everyday after breakfast and bago matulog. Because I’m anemic since May 2009. Hinimatay ako nun. Iinom sana ako ng tubig ng bigla akong matumba. Ayos. Tapos nung nagpamedical na ako for my enrolment purposes, nasa results ang pagiging Anemic ko. Kaya pala pag tumatayo ako, bigla na lang nagdidilim paningin ko.
And yeah, since 2009 yan iniinom ko vitamins.

